siegemalvar,
Naapektuhan ako ng enthusiasm mo sa movie so pwedeng mas na-enjoy ko ito kaysa sa Ang Darling Kong Aswang (nakatulog ako) pero kaunti na lang ay pwedeng makatulog na rin ako. Obviously, minadali iyong movie. Maraming scenes at jokes na hilaw na hilaw (Krista, iyong main baddie na biglaang may backstory pala, labong-labo ako sa papel ni Ruffa Mae). At natatawa na lang ako dahil sa kapalpakan ni Manny P.
Pero mas nirerespeto ko siya kaysa sa Mano Po (Kagagahan!) at mas malaro iyong camera compared sa nakikita natin ngayon. Sayang na sayang kasi nakikita ko naman iyong efforts nung production nito na gawin sanang kakaibang experience. Pero nagkulang lang talaga.
Mas nagustuhan ko di hamak ang Shake Rattle and Roll sa lahat ng napanood ko.
At ang galing mo pala. Napansin mo iyong Plants vs Zombies. Akala ko talaga ikaw nagsulat ng Wapakman kaya alam na alam mo/tuwang-tuwa ka dito.
AND Commarts friends, Si Borg pala nag-edit ng movie! Wala lungs.
Reblogged from Nag-Siege Ka Na Ba? Mag-Siege Ka Muna!.
January 15, 2010, 3:43am Comments